SUONG
SUONG
Couldn't load pickup availability
Ang tsapbuk na ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng Gantala Press sa Commission on Human Rights at sa iba pang grupong naglalayong panatilihing bukas at napapanahon ang talakayan ukol sa mga biktima at pamilya nilang victim-survivor ng gera kontra-droga na sinimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino, ang “suóng” ay matapang na pagharap sa anumang balakid, suliranin, o laban. Lubhang napakahirap na idokumento ang pinagdaanan ng mga pamilyang victim-survivor ng tokhang dahil marami sa kanila ang takot na pati sila ay patahimikin din, bukod sa makailang-beses na rin nilang binalik-balikan ang nangyari sa kanilang pamilya kaugnay ng gera kontra-droga sa konteksto ng maraming interbensyon, konsultasyon, o saliksik kasama ang iba’t ibang grupo. Kung kaya’t pinapauna namin ang aming pasasalamat sa kababaihang sumuóng sa gawaing pagsasaaklat ng kanilang mga sanaysay, tala sa personal na dyornal, maikling liham sa sarili o sa minamahal, at pagtatangkang lumikha ng tula, at sa kanilang koordineytor na siyang nagpahatid ng aming paanyaya sa kanila.
May mga mensahe mula kina dating Sen. Leila M. de Lima at CHR Commissioner Faydah M. Dumarpa
