Duongan
Duongan
Couldn't load pickup availability
Paano nga ba natin iniingatan ang mga sandali ng maikli nating búhay?
idinuduong táyo ng makata sa nahihimbing na ilog nang mapakinggan ang kilyawan o ang pagsunson sa bakás ng naglahòng mga bayawak. Ipinakikilála sa atin ang lagitlit ng kawayang mabilo na tagpuan ng mga alitaptap pagsapit ng dilim. At bawat punò—kalumpit, lukban, atis, nara, antipolo, sampalok ay kabahagi ng ating pagtandâ. Nakahimpil sa Duongan ang mga bangkang nilikha ng matitinis na tinig, ang kampay ng mga bisig at hita, at luha ng mga batàng di na makauuwi. Kawaksi táyo sa pagtanggap sa kakapusan ng hininga at salita. Tai,tim na pinaghihilom ang mga sugat dulot ng dahas, kamatayan, atpaglisan. Sa bandáng huli, muling ititikin ang balsa sa mundo ng tumataib at humihibas na pananaginip.
