Apo Sa Ika-22 Siglo Mga Abstrak
Apo Sa Ika-22 Siglo Mga Abstrak
Couldn't load pickup availability
Tampok sa pagdiriwang na ito ang ating pambansang kumperensyang may temang "Apo sa Ika-22 siglo: Mga Perspektiba sa Tadhana ng Lahing Dakila." Inaasahang magsama-sama sa naturang pagtitipon ang mga iskolar, mananaliksik, beterano, propesor, kawani maging ang mga bagong saltang estudyante sa Araling Pilipino at Araling Ilocandia, lalo na ang mga magigiting na nagtuturo ng PI081: Introduksyon sa Araling Marcos, isang larangang bago pa lamang yumayabong at marapat pang pagyamanin hanggang maging BA Marcos Studies, isang ganap na degri o kursong maaaring tutukan at paglaanan ng buong-lakas na pag-aaral, nang sa gayo'y makasabay sa makabagong mga pagtingin at pag-aaral sa kapanapanabik na pandaigdigang penomenong kinahuhumalingan ngayon sa Europa, ang Pasistang Agham Panlipunan (Fascist Social Science) na yumayanig na ngayon sa Amerika at bumabasag sa maling pagtingin sa pasismo, salamat at pagsusumikap ng premyadong si Dr. Jack Gladney, propesor Emeritus ng Araling Hitler (Hitler Studies) at Axis (Axis Studies).
Other Category: Philippine Dictatorship
